^

Bansa

Customs official 2 beses nagpakasal, sinuspinde

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Isang mataas na opis­yal ng Bureau of Customs sa Subic ang sinuspinde ng Court of Appeals (CA) matapos umanong mag­pa­kasal ng dalawang beses.

Sa 20-pahinang desis­yon ng CA 22th division na sinulat ni Associate Justice Danton Q. Bueser, hinatu­lang guilty sa kasong ad­ministratibo si Subic Customs Collector Atty. Ma­rietta D. Zamoranos.

Sa ilalim ng Rule IV ng Uniform Rules sa Administrative Cases ng Civil Service, ang disgraceful at immoral conduct ay maitu­turing na grave offense na kinakastigo sa pamama­gitan ng suspensiyon mula anim na buwan hanggang isang taon sa unang offense at pagkakatanggal naman sa serbisyo sa second offense.

Binaligtad ng CA ang resolusyon ng Civil Service Commission (CSC) na nag-aabswelto kay Zamo­ranos sa reklamong disgraceful at immoral conduct.

Nagkamali anya ang CSC nang idismis nito ang administrative complaint laban kay Zamoranos ma­tapos matuklasan na ang reklamo ay mayroong sapat na basehan.

Napahamak si Zamo­ranos sa sariling testi­monya na siya ay Muslim convert na taliwas naman sa inihain niya sa korte na hindi siya naging Muslim kailanman.

Ang kaso ay nag-ugat sa reklamo ni Samson R. Pacasum Sr. sa CSC noong December 14, 2004 kung saan binanggit na nagpakasal siya kay Za­mo­ranos noong Dec. 28, 1992. Ang complainant ay isang Muslim habang si Zamoranos ay Roman Catholic.

Ngunit natuklasan na si Zamoranos ay kasal kay Jesus de Guzman noong July 30, 1982.

Dahil dito, binalewala rin ng korte ang depensa ni Zamoranos na siya ay Muslim kaya ang kanyang kasal kay de Guzman noong July 30, 1982 ay isang ceremonial affair lamang dahil kasal na siya kay de Guzman noong May 3, 1982 sa pamama­gitan ng Muslim wedding at napawalang-bisa na ito noong December 18, 1983.

Ang kasal naman ni Zamoranos kay Pacasum ay naganap noong December 20, 1989 sa harap ni Iligan RTC Judge Valerio Salazar.

Dahil dito, ang kasal ni Zamoranos noong July 30, 1982 ay umiiral pa rin sa kabila ng pagkaka-divorce ng kanyang Muslim wedding kay de Guzman sa Basilan.

ADMINISTRATIVE CASES

ASSOCIATE JUSTICE DANTON Q

BUREAU OF CUSTOMS

CIVIL SERVICE

CIVIL SERVICE COMMISSION

GUZMAN

KAY

NOONG

SHY

ZAMORANOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with