^

Bansa

Witness sa pagpatay kay 'Jessie' hawak na raw ni Atty. Roque

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hawak na umano ni Atty. Harry Roque, abu­gado ng ilang biktima ng Maguindanao massacre, ang mga testigo sa pag­patay sa witness na si Suwaib Upham alyas “Jessie o Jesse”.

Tiniyak ni Atty. Roque, na handa niyang ilutang ang mga testigo na magbubunyag sa apat na sinasabing salarin sa pagkamatay ni Jessie na pawang mga tauhan umano ng mga Ampa­tuan.

Ikinuwento pa ni Roque na matagal uma­nong itinago nila si Upham sa hindi binanggit na semi­naryo at nahira­pan umano ang mga taong Simbahan sa pag­kostudi sa kaniya.

Minsan na ring nag-disguise at inihalo sa mga seminarista si Up­ham upang maikubli lamang sa mga nagha­ha­nap uma­nong mga nais pumatay dito.

Nainip lamang daw si Upham kaya nagtungo sa kaniyang bayan sa Min­danao ngunit naka­pag­­pahayag na umano ito na excited siyang magtungo sa Department of Justice (DOJ) nang malaman umanong si Commission on Human Rights Chair Leila De Lima ang uupong bagong Justice chief, kapalit ni acting Justice Secretary Alberto Agra, dahil mas may tiwala umano siya kay de Lima.

Si Upham ay hindi umano ordinaryong tes­tigo, bagkus ay isa ding akusado dahil siya ang isa sa pumatay, naka­saksi at may direktang na­lalaman sa plano hing­gil sa Maguindano massacre na kinasa­sang­kutan ng pa­milya Ampa­tuan.

vuukle comment

AMPA

DEPARTMENT OF JUSTICE

HARRY ROQUE

JESSIE

JUSTICE SECRETARY ALBERTO AGRA

SHY

SI UPHAM

SUWAIB UPHAM

UPHAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with