'Midnight appointment' sa AFP dedesisyunan pa rin ng Supreme Court
MANILA, Philippines - Sa kabila ng na-unang pahayag ng pag-re-retiro sa Hunyo 22 ng taong kasalu-kuyan, dedesisyu-nan pa rin ng Korte Su-prema ang peti-tion laban sa umanoy “midnight appointment” ni Armed Forces of the Philip-pines (AFP) Chief of Staff Gen. Delfin Bangit.
Ayon kay Supreme Court (SC) spokesman at court administrator Atty. Midas Marquez may mga kaso na puwede nang i-consider na moot pero nagdesisyon pa rin ang mga Mahistrado na tala-ka-yin ang naturang pe-tisyon.
Sinabi ni Marquez na hinihintay pa ng SC ang tugon ng Philippine Bar Association (PBA) sa ko-mento na isinumite ng Tanggapan ng Solicitor General.
Matatandaan na una nang kinuwestiyon ng PBA ang legalidad ng appointment ni Bangit.
Kabilang din sa mga appointment na kinu-kwes--tiyon ng PBA ay ang pag-ta-talaga kay Army chief Maj. Gen. Reynaldo Ma-pagu at National Ca-pital Region Command chief Rear Admiral Feli-ciano Angue.
Nauna nang ipinag-pa-liban ng SC en banc noong Martes ang pagta-lakay sa naturang petis-yon bunsod ng ilang mga isyu.
Una ng inihayag ni Ba-ngit na hiningi na nito ang permiso ni outgoing Presi-dent Gloria Maca-pagal Arroyo na lagdaan na ang kanyang resigna-tion letter.
- Latest
- Trending