Bangit maagang magreretiro, nagpaalam na sa tropa
MANILA, Philippines - Matapos na magdesisyon na magretiro ng maaga, sinimulan na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Delfin Bangit ang pagpapaalam sa tropa ng militar.
Nagpaalam na si Gen. Bangit sa mga sundalo sa ginanap na flag raising sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal kahapon matapos na ihayag ni President-elect Benigno Aquino III na hindi siya ang napipisil na maging AFP chief nito.
Hiniling ni Bangit sa mga sundalo na manatiling professionals at panatiliin ng dignidag sa serbisyo.
Nakatakda sanang magretiro si Bangit sa July 31, 2011 subalit nagpasya ng early retirement matapos sabihin ni Aquino na iba ang itatalaga nitong AFP chief.
Sinabi ni Bangit, mapalitan man siya bilang AFP chief ay mananatili ang kanyang pagmamahal sa mga sundalo.
Kaugnay nito, sinabi naman ni AFP-Public Affairs Office chief Lt. Col. Arnulfo Marcelo Burgos Jr., na susunod namang magpaalam si Bangit sa mga himpilan ng militar sa Mindanao, Visayas at Luzon bago sa Major Service Commands na kinabibilangan ng Philippine Air Force, Philippine Army at Philippine Navy.
- Latest
- Trending