Contempt charges vs prosecutors ibinasura
MANILA, Philippines - Ibinasura kahapon ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang contempt charges ni dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. laban sa mga prosecutor ng Department of Justice (DOJ) dahil sa kawalan ng merito.
Ayon sa DOJ, base sa naging resolution ni QCRTC Judge Jocelyn Solis-Reyes, walang sapat na batayan ang inihain ng abogado ni Ampatuan na si Atty. Siegfrid Fortun tungkol sa paglabag umano sa subjudice rule ng mga opisyal ng ahensya sa pangunguna ni dating Justice Secretary Agnes Devanadera at ang nagretirong si Chief state prosecutor Jovencito Zuño at mga prosecutor na humahawak ng kaso.
Inabswelto din ng korte sa kasong contempt sina Atty. Nena Santos, abogado ng mga biktima sa Maguindanao massacre at Commission on Human Rights (CHR) Chairman Leila De Lima.
Matatandaan na una nang inireklamo ng kampo ng depensa ang patuloy na pagbibigay ng pahayag sa media ni Devanadera at iba pang nabanggit gayong ang multiple murder charges laban kay Ampatuan Jr ay nakasampa na sa korte.
Iginiit ni Fortun na hindi na dapat pang talakayin ng DOJ ang merito ng kaso dahil kasalukuyan na itong dinidinig ng hukuman, dahil umano sa mga nagiging pahayag sa media ay naturingan nang guilty ang kanyang kliyente bagamat nagsisimula pa lamang ang paglilitis.
- Latest
- Trending