Imbestigasyon sa secrecy folder deal malalaman ngayon
MANILA, Philippines - Ngayon isusumite sa Commission on Election (Comelec) en banc ng Law Department ang ginawang imbestigasyon sa kontrobersyal na ballot secrecy folder contract.
Ayon kay Comelec Law Dept. Head Atty. Ferdinand Rafanan, isasapinal na lamang nila ang naturang report kung saan nakasaad ang resulta ng isinagawa nilang imbestigasyon sa secrecy folder deal.
Tumanggi naman si Rafanan na tukuyin kung ano ang nilalaman ng nasabing report. Ngayong ang deadline na ibinigay ng Comelec en banc para isumite ang report.
Matatandaan na bumuo si Comelec chairman Jose Melo ng isang team sa pamumuno ni Rafanan upang imbestigahan ang mga umano’y naganap na iregularidad sa P68M ballot secrecy folder na papasukin sana ng Comelec sa kumpanyang OTC paper supply subalit nabunyag na overpriced pala ito ng milyon-milyong piso.
Dahil dito ay nakansela ang kontrata at agad na pinaimbestigahan ni Melo kung may mga opisyal ng Comelec na sangkot sa pangyayari.
- Latest
- Trending