Gordon balik abogado
MANILA, Philippines - Kinukunsidera ni Sen. Richard Gordon na bumalik na lamang sa pagiging abugado matapos matalo ito sa nakaraang May 10 presidential elections.
Ipinagmalaki ni Sen. Gordon na naging bahagi siya ng sikat na ACRA Law Office at maaari muli siyang bumalik dito.
“That is something I am considering. I might go into some law office. I was in the ACRA law before, I might go back to ACRA, I don’t know. Senator (Edgardo) Angara hinted the other day but I’m not making a decision right away,” sabi ni Gordon.
Inamin din nito na nag-enjoy siya sa pagiging senador bagama’t nakakapagod din umano ang trabaho.
“First, I will tell you. It will be unfair for me to say that I did not enjoy the Senate. I enjoyed the Senate very much. I was also exasperated with the Senate very much. I was frustrated,” ani Gordon.
Muling ipinagmalaki ni Gordon na siya ang tipo ng tao na sasabihin ang gustong sabihin at kung ano ang iniisip.
Natanggap na daw niya ang nangyaring pagkatalo sa kaniyang kandidatura at binati na niya si president-apparent Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III.
- Latest
- Trending