^

Bansa

Telenovela, komiks sinisi sa pagdami ng mag-asawang naghihiwalay

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Sinisisi ni Lingayen Dagupaan Archbishop Emeritus Oscar Cruz sa mga telenovela, komiks at mga movies ang pagtaas ng bilang ng mga naghihiwalay na mag-asawa.

Ayon kay Cruz, ma­raming Filipino ang tumatangkilik ng mga te­lenovela, komiks kung saan inaaplay nila ito sa kanilang mga personal na buhay.

Sinabi ni Cruz na ipinakikita sa mga telenovela at komiks ang pagmamahal, pagsasama, subalit nauuwi din sa hiwalayan na hindi magandang ha­limbawa sa mga mag-asawa. Aniya, hindi pro marriage ang mga telenovela at naglalabasang mga komiks.

Bukod dito, kumokonti na din ang nagpapakasal dahil sa hirap sa pagkuha ng lisensya sa munisipyo.

Sakali naman uma­nong magpakasal sa simbahan, marami ding kailangan kabilang na ang baptismal at first communion. Hindi naman masyadong pinapaboran ang libreng kasal minsan isang araw sa simbahan sa loob isang buwan.

Nakakaalarma rin anya ang pagtaas ng bilang ng nagpapa-annul batay sa record ng National Statistics Office (NSO).

Giit ni Archbishop Cruz, nawawala na ang values system sa pagpapakasal dahil ang iniisip ay maghihiwalay din pagdating ng panahon.

ANIYA

ARCHBISHOP CRUZ

AYON

BUKOD

CRUZ

GIIT

LINGAYEN DAGUPAAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

NAKAKAALARMA

NATIONAL STATISTICS OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with