Wage board magdedesisyon sa salary hike sa Metro Manila
MANILA, Philippines - Posibleng malaman na sa linggong ito ang magiging desisyon ng Regional Wage Board hinggil sa kahilingang itaas ang sweldo ng mga minimum wage earners sa Metro Manila.
Ayon kay Ciriaco Lagunzad, executive director ng National Wages and Productivity Commission, simula kahapon ay nagsasagawa na ng marathon deliberation ang wage board hinggil sa petisyon na P75.00 across the board na wage hike para sa mga minimum wage earners sa National Capital Region (NCR).
Bukod dito ay sisimulan na rin umanong talakayin sa ibang rehiyon ang 10 petisyon kaugnay sa posibleng umento sa sahod.
Aminado naman si Lagunzad na hindi madali ang usapin dahil marami pa rin umano sa mga exporters ang hindi nakakabawi sa epekto ng naranasang economic crisis.
“Hindi kasi ganoon kadali ang usapin ng sahod. Galing lang tayo doon sa epekto ng economic crisis, nagkaroon ng lay offs, lalo na sa Region 4 at Region 7. Ang mga exporters natin hindi pa nakakabawi, bagama’t unti-unti na silang naghi-hire ng mga employees,” ayon kay Lagunzad.
Gayunman ay kailangan umanong balansehin ng gobyerno ang interes ng mga manggagawa at ng business sector.
- Latest
- Trending