Proklamasyon tuloy - Palasyo
MANILA, Philippines – Siniguro ng Malacañang na wala nang makakahadlang sa gagawing proklamasyon ng susunod na presidente at bise presidente kahit pa nagkakaroon ng debate sa isinasagawang pagbibilang ng boto ng National Board of Canvassers (NBoC).
Ayon kay Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar, mismong sina Senate President Juan Ponce Enrile at Speaker Prospero Nograles ay batid ang hinahabol nilang oras kaya itinuloy ang canvassing sa kabila ng mga kuwestiyon tungkol sa sinasabing iregularidad sa nakaraang automated elections.
Sina Enrile at Nograles na rin umano ang naghayag na maidedeklara ang mga nanalong kandidato bago sumapit ang Hunyo 15 kaya walang dahilan upang hindi matuloy ang proklamasyon para sa susunod na presidente ng bansa.
Sa pinakahuling tala ng NBoC, nangunguna pa rin ang tambalan nina Noynoy Aquino at Mar Roxas.
Itutuloy bukas (Lunes) ang pagbibilang ng boto.
- Latest
- Trending