^

Bansa

Tinga kinasuhan ni Cayetano

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng kam­po ng bagong halal na Mayor ng Taguig na si Lani Cayetano ang mga paratang ng natalong katunggali nito na si dating Supreme Court justice Dante O. Tinga na dinaya ang huli sa nakaraang eleksyon.

Ayon sa kampo ng mga Cayetano, isang paraan ito ng mga Tinga para linlangin ang mga mamamayan ng Taguig para sa election protest ng mga ito. Dagdag pa ni three term councilor at team Cayetano spokesman Noel Dizon, na ang ginagawang ito ng mga Tinga ay nagpapatunay lamang sa kanilang desperasyon at hindi na lamang tanggapin ang kapasyahan ng mga tao.

Sabi ni Dizon, ang kampo ng mga Cayetano ang naagrabiyado kaya sila ang may karapatang maghain ng election protest laban sa kampo ng mga Tinga.

Nitong Lunes, May 24, 2010 ay patung-patong na reklamo ang isinampa ng mga Cayetano laban sa mga Tinga kaugnay ng mga anomalya noong eleksyon na may kinalaman sa pagka-Vice Mayor, sa posisyon sa Kamara at sa posisyon sa konseho ng lokal ng Taguig.

Ilan sa mga inihaing reklamo ay pamimili umano ng boto, paghakot sa mga botante sa malalaking lugar sa gabi bago ang mismong araw ng eleksyon, pagpapasingit at pag-antala sa pila ng kanilang mga tagasuporta, harassment, pananakot, at iba pa.

Nagsampa rin sila ng kaso laban sa City Treasurer na si Teresita Elias para sa “conflict of interest” nito. Si Elias ay maybahay ng Vice Mayor ng Taguig na si George Elias.

Nilabag umano ni Ginang Elias, bilang tagapamahala ng tanggapan ng Ingat-Yaman, ang kaniyang responsibilidad na ipreserba ang mga kahon ng balota.

Ilan sa mga balotang inilipat sa auditorium ay hindi na maayos ang pagkakaselyo, o kaya ay wala nang kandado.

Sinuportahan ito ng mga abogado ng mga Cayetano at sinabing wala nang kandado o kaya ay hindi na maayos o hindi na selyado ang mga kahon ng mga balota.

Dagdag pa ni Dizon, dahil sa ginawang paglilipat sa mga kahon ng balota, karapat-dapat lamang na sabihing ilan sa mga kahong ito ay pinakialaman na at posibleng may bahid na ng anomalya.

CAYETANO

CITY TREASURER

DAGDAG

DANTE O

DIZON

GEORGE ELIAS

TAGUIG

TINGA

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with