2 bagong City tinanggap ng LCP
MANILA, Philippines - Tinanggap ng League of Cities of the Philippines (LCP) na pinamumunuan ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos bilang bagong kasapi ang Dasmariñas City at Biñan City sa kanilang grupo.
Sinabi ni Mayor Abalos, hindi sila tutol sa pagiging lungsod ng mga munisipalidad kundi ang nais nila ay dapat maging handa na ang isang munisipyo na maging lungsod.
“The LCP is not against any initiative on the part of a municipality to be converted into a city. However, what we strongly object is the conversion of a municipality that is not yet, by itself, prepared to become a city,” paliwanag pa ni Abalos.
Inaasahan din ng 122-member ng LCP na papayagan na rin ng Korte Suprema ang 16 na cityhood laws upang maging lungsod ang may 16 na munisipalidad.
Aniya, dapat ay mayroong average na locally-generated income na P100 milyon ang isang munisi palidad bago maging lungsod na nakasaad sa RA 9009 bukod sa pagkakaroon ng populasyong mahigit 150,000.
Idinagdag pa ni Abalos, may mga bayan na ninais na manatiling munisipalidad sa kabila ng pagiging kwalipikado nito na maging lungsod tulad ng Cabuyao, Cainta, Bacoor, Imus at Taytay.
- Latest
- Trending