Stradcom pinatigil ng LTO
MANILA, Philippines -
Inilabas ni Suansing ang isang memorandum order nang makumpirmang ang naturang hakbang ng Stradcom ang ugat umano ng muling pagdami ng kaso ng non-appearance testing o hindi na naipapasuri ang usok ng mga sasakyan bago irehistro sa LTO.
Ang PETC Direct Connect Facility ng Stradcom ay pinatupad ni dating LTO Chief Arturo Lomibao kung saan direktahang kumokonekta ang sistema ng Stradcom sa mga private emission test centers kayat nakakapasok ang non-appearance testing ng usok ng mga sasakyan dahilan para dumami na naman ang mauusok na sasakyan sa mga lansangan.
Sinasabing dulot ng patuloy na pagsasagawa ng Stradcom sa sistemang ito, ang kumpanya ay kumokolekta ng P67.50 kada data uploaded sa Stradcom, hindi pa kasama ang P150.00 computer fee na kinokolekta nito mula sa kada sasakyan na nairerehistro sa LTO.
Matinding pasasalamat naman ang ipinarating ng naturang grupo kay Suansing at DOTC Sec. Anneli Lontoc dahil may political will ang mga itong lansagin ang mga baluktot at maling patakaran sa ahensiya partikular na ang korapsiyon sa LTO.
- Latest
- Trending