^

Bansa

Tag-init matatapos na-PAGASA

- Ni ngie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Matatapos na rin ang sobrang init ng panahon na na­ra­ranasan ng mga Pinoy  sa bansa laluna sa Metro Manila  dahil papasok na ang panahon ng tag- ulan sa susunod na buwan ng Hunyo.

Ayon sa Aldczar Aurelio, weather forecaster ng  Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ito ay dahil unti-unti nang nalulusaw ang epekto ng El Niño phenomenon sa bansa .

Gayunman, sinabi ni Aurelio na hindi nila malaman kung anung araw sa Hunyo papasok ang tag ulan pero sigurado itong sa susunod na buwan na. Nitong nakaraang Mayo 19, naitala ang pinaka mainit na panahon sa Metro Manila na may 37.3 degrees Celsius

Una nang sinabi ni PAG ASA chief Prisco Nilo na ang ahensiya ay naghahanda na ngayon pa lamang upang mapaghandaan ang panahon ng tag ulan na inaasahang papasok pa ang La Niña o maulang panahon.

Pinayuhan na ni Nilo ang mga LGUna magpatupad na rin ng kanilang mga contingency measures.

ALDCZAR AURELIO

AURELIO

AYON

EL NI

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HUNYO

LA NI

METRO MANILA

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

PRISCO NILO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with