^

Bansa

CHED nagbabala vs tuition fee hike

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nagbabala kahapon ang Commission on Higher Education sa mga paaralan at unibersidad sa buong bansa na may pananagutan sila sa batas kung iligal na magtataas ng kanilang singil sa mat­rikula ngayong darating na pasukan.

Ito’y makaraang maka­tanggap ang CHED na may 300 mga unibersidad ang nakatakdang magtaas ng singil kahit walang kon­sultasyon.

Ipinaliwanag ni CHED Chairman Emmanuel Angeles na hindi pupuwede na basta na lamang mag­tataas ang mga kolehiyo at unibersidad ng tuition fee dahil sa may sinusunod silang proseso.

Kailangang ipabatid muna ito sa CHED kung saan nakalakip ang mga dahilan ng pagtataas at kinakailangan rin na may konsultasyon sa mga magulang ng kanilang mga mag-aaral.

Ang mga kolehiyo at unibersidad na mapa­patunayan na magka­karoon ng paglabag sa kanilang alituntunin ay maaaring mapatawan ng iba’t ibang parusa tulad ng suspensyon hanggang sa posibleng pagpapasara.

CHAIRMAN EMMANUEL ANGELES

CHED

HIGHER EDUCATION

IPINALIWANAG

KAILANGANG

NAGBABALA

SHY

UNIBERSIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with