^

Bansa

Palasyo kay Noynoy, GMA igalang

- Nina Rudy Andal at Gemma Garcia -

MANILA, Philippines - Iginiit kahapon ng Malacañang kay Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III na dapat niyang igalang ang desisyon ni Pangu­long Gloria Macapagal-Arroyo sa pagtatalaga ng kapalit ni Chief Justice Reynato Puno na pina­yagan mismo ng Korte Suprema.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ricardo Saludo na hindi rin labag sa Konstitusyon ang pagnombra ni Pa­ngulong Arroyo kay Associate Justice Re­nato Corona bilang kapalit ng magreretirong si Justice Puno sa Mayo 17.

Ayon kay Saludo, bukod pa ito sa pag­payag ng Korte Sup­rema at naka­saad din sa Konstitus­yon na pu­ wedeng mag­nombra ng punong ma­histrado ang Pangulo sa san­daling magretiro ang mahis­trado ng High Tribunal.

Aniya, legal ang ga­gawing pagtatalaga ng Pangulo kay Corona at ito ay sang-ayon sa Konstitusyon at ang anumang hindi pagki­lala ng susunod na pre­sidente sa kautusang ito ng SC at sa Saligang Batas ay magiging ba­sehan para siya ay ma­patalsik sa pamama­gitan ng impeachment.

Ayon naman kay Deputy Presidential Spokesman Gary Ol­i­var, kung mayroong kuwes­tyon si Aquino na siyang nangunguna sa official counting sa pre­sidential race ng Co­melec ay puwedeng idu­log nito sa Korte Suprema.

Maaari umanong ma­­­parusahan si Corona sa paglabag sa Kons­titusyon sakaling tang­gapin nito ang appointment bilang chief justice.

Ayon kay Philippine Bar Association President at dating Ombudsman Simeon Marcelo, mas mabuting tanggi­han na lamang ni Corona ang naturang appointment dahil may marka pa umano ito na malapit sa Pangulong Arroyo kung kayat hindi maaalis ang pagdududa sa independence nito.

AQUINO

ASSOCIATE JUSTICE RE

AYON

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

DEPUTY PRESIDENTIAL SPOKESMAN GARY OL

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

HIGH TRIBUNAL

JUSTICE PUNO

KORTE SUPREMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with