^

Bansa

Pag-disqualify sa mayor inihabol sa Comelec

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Pilit na inihabol ng kampo ng isang politiko sa San Pascual, Batangas ang pagsasampa ng diskuwalipikasyon laban kay incumbent Mayor Antonio Dimayuga dahil sa bintang na iligal umano na paggamit ng pondo.

Sa pulong-balitaan sa Pasig City, sinabi ni dating San Pascual Mayor Mario Magsaysay Jr., na nagsampa na sila ng walong pahinang petisyon sa Comelec na humihiling sa pagbasura sa kandidatura ni Dimayuga.

Nakasaad sa petisyon ang akusasyon na umutang umano ng P40 milyon si Dimayuga sa Philippine National Bank-Diosdado Macapagal branch para sa pagkumpuni ng mga fire trucks ng munisipyo at pagbili pa ng ilang units.  

Kasama pa sa petisyon ang akusasyon ng harassment ng kampo ni Dimayuga kontra sa karibal nito ngayon na si Rosario Conti. Ito’y dahil umano sa mga survey sa lalawigan na mas pabor umano ang mga residente kay Conti kaysa sa incumbent na alkalde.

BATANGAS

COMELEC

CONTI

DIMAYUGA

MAYOR ANTONIO DIMAYUGA

PASIG CITY

PHILIPPINE NATIONAL BANK-DIOSDADO MACAPAGAL

ROSARIO CONTI

SAN PASCUAL

SAN PASCUAL MAYOR MARIO MAGSAYSAY JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with