^

Bansa

MOVE IT kinondena pagpatay sa rider-partner

Pilipino Star Ngayon
MOVE IT kinondena pagpatay sa rider-partner
Nagtungo si MOVE IT General Manager Wayne Jacinto upang personal na makiramay sa pamilya ng nasawing rider-partner na si Fabio Norberte, Jr.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pakikiramay ang MOVE IT Philippines sa pamilya ng rider-partner na si Fabio Norberte, Jr. at tiniyak ang patuloy na suporta sa kanila habang isinusulong ang hustisya para sa biktima.

“Labis naming ikinalulungkot ang pagpanaw ni Fabio. Taos-puso kaming nakikiramay sa kanyang pamilya, mga mahal sa buhay, at sa buong MOVE IT rider community,” ani MOVE IT General Manager Wayne Jacinto.

Si Norberte, 46, ay nasawi matapos pagnakawan ng kanyang pasahero sa Brgy. 20, Caloocan City noong madaling araw ng Hulyo 14.

Ayon kay Jacinto, nagpaabot ang MOVE IT ng paunang financial assistance sa pamilya ni Norberte habang kasalukuyang inaasikaso ang pagproseso ng mga insurance benefits na maaari nilang matanggap. Patuloy rin aniyang nakikipag-ugnayan ang kumpanya sa pamilya upang matiyak na maibibigay ang iba pa nilang maaaring kailanganin.

Handa rin aniya ang MOVE IT na magbigay ng legal assistance sa pamilya ni Norberte sa pagpapatuloy ng kaso.

Bigay-diin ni Jacinto, kasalukuyan nang sinusuri ng MOVE IT ang booking system at mga safety protocols nito upang lalo pang mapalakas ang proteksyon ng lahat ng rider sa kanilang network.

Nanawagan naman si Motorcycle Taxi Community Chairman Romeo Mag­lunsod sa pamahalaan na magpatupad nang mas mahigpit at mas malawak na proteksiyon para sa mga motorcycle taxi rider, kabilang ang agarang pagsasabatas ng Motorcycle Taxi Bill na may malinaw na probisyon para sa kanilang kaligtasan at kapakanan.

Ayon kay Maglunsod, si Fabio na ang ikatlong motorcycle taxi rider na nabiktima ng krimen sa loob lamang ng isang linggo. Dalawa pang rider mula sa ibang mga platform ang naiulat ding marahas na nabiktima ng carjacking, holdap, at pagpatay.

Sinang-ayunan ito ni Jacinto at nanawagan sa lahat ng motorcycle taxi platform na magkaisa upang sama-samang itaas ang antas ng proteksiyon at kaligtasan sa buong industriya, para sa bawat rider na naghahanapbuhay at bawat pasaherong umaasa sa kanilang serbisyo. Tiniyak ni Jacinto na patuloy na magiging katuwang ang MOVE IT ng pamilya ng nasawing rider-partner at ng buong rider community sa kanilang sama-samang paghahangad at pagkamit ng hustisya.

 

MOVE IT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with