Ex-speaker Romualdez, malapit nang kasuhan ng plunder – Ombudsman

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Office of the Ombudsman na malapit nang masampahan ng kasong plunder si dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay ng umano’y iregularidad sa pambansang budget.
“We’re very close to filing the plunder charges, but we still have to cross the t’s and dot the i’s. Ganoon na kalapit ‘yan. I deliberately didn’t talk about that, pero the cases are just about ready for preliminary investigation,” wika ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla.
Inamin ni Remulla na mahirap kalabanin ang mga de-kalibreng abogado at malalaking pondo, ngunit iginiit niyang nakalap na ng mga imbestigador ang sapat na ebidensiya upang matiyak na credible ang kaso.
Sinabi ng Ombudsman na nakikipag-cooperate na ang House of Representatives sa imbestigasyon.
“Basically, they have cooperated. Many have cooperated,” ani Remulla.
Gayunman, binanggit niyang may ilang dating mambabatas ang tumangging makipagtulungan dahil “obviously, mayroon silang sabit.”
Noong Mayo, nahirapan ang OMB na makakuha ng mga record mula sa Kamara matapos tumanggi ang House committee secretariat na makipag-cooperate. Sa kabila nito, tiniyak ni Remulla na tuloy ang imbestigasyon.
Una nang inanunsyo ng Ombudsman na tinanggap nila si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan bilang state witness. Inaasahang magpapalakas ang testimonya nito sa kaso laban kay Romualdez.
- Latest


















