‘It’s a miracle!’ - Lacson
Sa biglang paggaling ni Marcoleta
MANILA, Philippines — “Himala!”
Ito ang naging reaksiyon ni Sen. Panfilo Lacson sa kanyang post sa X matapos ang medical examination ni Sen. Rodante Marcoleta sa Philippine General Hospital (PGH).
Ayon kay Lacson, pumasok si Marcoleta sa PGH na naka-wheelchair ngunit lumabas na nagbi-brisk walk. Pinuri rin niya ang PGH dahil sa integridad at propesyunalismo nito, lalo na sa pagsusumite ng medical report sa Sandiganbayan.
“It’s a MIRACLE! Naka wheelchair pumasok, brisk walk lumabas. Kudos to UP-PGH for putting professionalism and integrity above all other considerations in submitting their medical report to the Sandiganbayan,” ani Lacson sa X.
Bagama’t hindi binanggit ni Lacson ang pangalan ni Marcoleta sa kanyang post, kinumpirma niya sa press release na ito ay tumutukoy sa senador. Nakita si Marcoleta na naglalakad palabas ng Sandiganbayan nitong Miyerkules matapos humarap sa kasong plunder at bribery.
Matatandaan na si Marcoleta ay unang na-admit sa Philippine National Police General Hospital (PNPGH) dahil sa pananakit ng dibdib at high blood. Matapos ideklarang “fit to travel” ng PNPGH, ipinag-utos ng anti-graft court na sumailalim siya sa independent medical examination sa PGH.
Kinumpirma naman ni Dr. Gerardo Legazpi ng PGH sa korte na gumaling na si Marcoleta mula sa pneumonia at hypertension, at hindi na kailangan pang manatili sa ospital.
- Latest




















