^

Bansa

Racist attack ng China sa Pinoy, binira

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Binatikos ng makabayang grupo ang AI-generated na propaganda video ng China Daily na naglalarawan sa mga Pilipino bilang unggoy, isang insulto sa dangal at soberanya ng bansa.

Ayon kay Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, walang puwang ang rasismo sa diplomasya at responsableng pamamahayag. “Hindi lamang Pilipinas ang inatake ng videong ito, kundi ang dignidad ng bawat Pilipino.

Ang pamahalaang gumagamit ng panlalait ay inilalantad ang kahinaan ng sarili nitong argumento,” aniya.

Naniniwala si Goitia na inilabas ang video matapos mabigo ang ilang Chinese scholars sa walang batayang pahayag na pag-aari ng Tsina ang Batanes. Iginiit niya na dapat agad alisin ng China Daily ang video at humingi ng paumanhin.

“Hindi mga unggoy ang mga Pilipino. Tayo ay malaya, may soberanya, at mga inapi ng bayaning lumaban para sa Republika. Hindi maaa­ring yurakan ang ating dignidad,” dagdag ni Goitia.

GOITIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with