^

Bansa

Liquor ban simula na, Kampanya hanggang ngayon na lang

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Hanggang ngayong araw na lamang maaaring makapangampanya ang mga kandidato para sa May 10 national and local elections.

Ang paalala ng Commission on Elections ay kasunod sa pagtatapos ng itinakda nilang campaign period ngayong Sabado.

Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, mula sa Mayo 9 ay mahigpit nang ipinagbabawal ng poll body ang pangangampanya at iba pang uri ng electioneering.

Kabilang sa ipagbabawal ang pamimigay ng mga libreng sakay o pagkain at iba pang kahalintulad nito.

Inianunsiyo rin ni Jimenez na sa hatinggabi ng Mayo 9 o saktong 12:01 ng madaling araw ay magsisimula na ang pagpapatupad ng liquor ban.

Sa ilalim ng liquor ban, mahigpit na ipinagbabawal ang pagbili, pagbebenta, at pagsisilbi ng mga nakakalasing na inumin, maliban na lamang kung gagawin ito sa mga lugar katulad ng hotel na accredited ng Department of Tourism (DOT).

Ang mapatunayang lumabag rito ay mahaharap sa parusang mula 1-6 taong pagkakabilanggo.

Samantala, muli rin namang pinaalalahanan ni Jimenez ang mga botante na mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellphone sa loob ng mga polling precint sa araw ng eleksyon.

Maging ang pagkuha ng larawan sa mga balota bilang remembrance ay ipinagbabawal din ng komisyon.

AYON

COMELEC SPOKESMAN JAMES JIMENEZ

DEPARTMENT OF TOURISM

HANGGANG

INIANUNSIYO

JIMENEZ

KABILANG

SABADO

SAMANTALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with