^

Bansa

Dayaan umpisa na, Comelec ginagapang na

- Joy Cantos -

DAVAO CITY, Philippines – Nagsi­simula na umano ang da­yaan sa nalalapit na lokal at nasyonal na halalan sa Mayo 10 matapos ibulgar ni Defense Secretary Norberto Gonzales na inu­umpisahan nang gapa­ngin ng maimplu­wen­siyang pu­wersa at alukin ng ma­laking halaga ng suhol ang Commission on Elections.

“There will be attempts of cheating. I’m telling you that cheating has begun. Money is being distributed to some Comelec officials,” matapang na pa­hayag ni Gonzales sa gi­na­nap na Bishops Ulama Conference sa Waterfront Hotel sa Davao City na dina­luhan rin ng matataas na opisyal ng militar at pulisya sa pangunguna nina AFP Chief of Staff Gen. Delfin Bangit at PNP Chief Director General Jesus Verzosa.

Sinabi ni Gonzales na isang Comelec opisyal sa Southern Tagalog ang nagreport sa kaniya ng umano’y panunuhol ng malaking halaga pero di naman nito matiyak kung may tumanggap ng nasa­bing suhol sa kaniyang mga kasamahan.

Ayon kay Gonzales, magpapatuloy ang pagta­tangka na gapangin at su­hulan ang Comelec para imanipula ang resulta ng eleksyon.

“It might benefit two of the presidentiables,” ani Gonzales na ipinahiwatig na nagmula ito sa kampo ng dalawang sikat na presidentiables na tu­manggi nitong tukuyin ang pagkakakilanlan. 

Sinabi ni Gonzales na malamang na susunod na ang PNP at AFP na tang­kaing suhulan ng mga puli­tikong may ganid at personal na interes para tiya­kin ang panalo sa elek­syon sukdulang mandaya ito.

BISHOPS ULAMA CONFERENCE

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF OF STAFF GEN

COMELEC

DAVAO CITY

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

DELFIN BANGIT

GONZALES

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with