^

Bansa

11 suspek sa 'Maguindanao: 'Not guilty'

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naghain ng “not guilty” plea ang siyam na pulis at dalawang Cafgu na isinasangkot sa karumal-dumal na Maguindanao masaker na ikinasawi ng 57 katao kabilang na ang 30 mamamahayag matapos basahan ng demanda kahapon ng umaga sa Camp Bagong Diwa,Taguig City.

Kabilang sa mga binasahan ng sakdal kaugnay ng multiple murder sina Police Insp. Rex Ariel Diongon, PO2s Saudiara Ulah, Saudi Pasutan, Hernani Decipolo Saulong, PO1s Pia Kamidon, Rainier Ebus, Esprielito Giano Lejaso, Herich Manisi Amaba, Michael Joy Macaraig at ang dalawang miyembro ng Civillian Volunteer Organization (CVO) na sina Takpan Dilon at Esmael Canapia.

Hindi naman sumipot sa naturang pagdinig ang apat pang akusado na sina PO3 Abiduin Abdulgani, PO2 Hamad Hana, PO1 Ismael Guilal at Michael Juanitas Madsig.

Muling itinakda ni Quezon City Regional Trial Court branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pagdinig ng pagbasa sa sakdal sa naturang apat na pulis sa Abril 30. 

Naghain naman ng “motion to quash” ang mga abogado ng mga akusado na si Marlon Pagaduan at nakatakdang magsumite rin ng “petition for bail” tulad ng ginawa ng pangunahing suspek na si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.

Pinalagan naman ni Assistant Chief State Prosecutor Richard Fadullon ang pagsusumite ng naturang mosyon at ang pagkaantala sa pagbasa ng demanda sa apat sa hinalang isa lamang itong paraan upang mabimbin ang pagdinig sa kontrobersiyal na kaso.

Inatasan naman ni Judge Solis-Reyes ang mga abogado ng magkabilang kampo na magsumite ng kani-kanilang komento, hindi lalagpas ng limang araw matapos nilang matanggap ang “motion to quash”.

Naging mahigpit naman ang seguridad sa courtroom kung saan bantay-sarado ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na armado ng matataas na kalibre ng baril ang paligid ng gusali.

ABIDUIN ABDULGANI

ASSISTANT CHIEF STATE PROSECUTOR RICHARD FADULLON

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CAMP BAGONG DIWA

CIVILLIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

ESMAEL CANAPIA

ESPRIELITO GIANO LEJASO

HAMAD HANA

HERICH MANISI AMABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with