Manalo, matalo: Mga kandidato hahabulin ng BIR
MANILA, Philippines - Hahabulin ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang alinmang kandidato, panalo man ito o talo sa darating na May 10 elections.
Sa isang press conference, sinabi ni BIR Commissioner Joel Tan–Torres, walang exemption ang BIR sa pagkolekta ng kaukulang buwis sa mga kandidato sa naturang halalan bastat ito ay nag-file ng kandidatura kahit pa ito ay umatras pa para tumakbo sa eleksiyon.
Sinabi ni Tan–Torres na masaya na ang ahensiya na makakolekta ng P700 milyon mula sa buwis sa campaign expenditures ng mga kandidato.
Kung sana ay napasimulan ang campaign period ng Disyembre malamang na abutin ng P1.3 bilyon ang makolekta ng BIR pero dahil nagsimula ng Pebrero ang campaign period, umaasa silang makakolekta ng P700 milyon.
Sa Hunyo ay kanilang itatakda ang deadline sa lahat ng mga kumandidato para magbayad ng buwis sa mga gastos sa eleksiyon.
- Latest
- Trending