Abogado ni Gov. Zaldy pumalag
MANILA, Philippines - Binatikos ni Atty. Redemberto R. Villanueva si Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes sa umano’y “mistaken transfer” ng kanyang kliyente, si Autonomous Region in Muslim Mindanao Gov. Zaldy Ampatuan, mula sa isang piitan sa Gen. Santos City patungo sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig.
Sinabi ni Villanueva sa isang hearing sa harap ni Reyes na ang commitment order na inisyu nito noong Abril 15 ay “flawed” dahil ito ay naka-address sa warden ng Metro Manila District Jail sa Bicutan at hindi sa Criminal Investigation and Detection Group sa Gen. Santos City na unang may kustodiya sa gobernador.
Ani Villanueva, sa pagdinig kahapon sa kanyang mosyon para linawin ang commitment na inisyu ni Judge Reyes noong Abril 15 na ang April 13 resolution ng the Supreme Court ay sakop lamang ang paglilipat kay Andal Ampatuan Jr. mula sa National Bureau of Investigation patungo sa Camp Bagong Diwa.
Nabigla si Villanueva sa pagkakalipat ng kanyang kliyente dahil may nakabinbing motion for reconsideration sa Branch 77 ng QC RTC sa kaparehong isyu.
- Latest
- Trending