^

Pang Movies

Carla, may pa-shade sa bilyun-bilyon na budget sa ASEAN!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carla, may pa-shade sa bilyun-bilyon na budget sa ASEAN!
Carla Abellana
STAR / File

Ang Instagram Story post ni Carla Abellana na pinag-uusapan. Post nito. “Budget sa bisita 22 billion budget sa Pilipinas 22 pesos.”

Pa-shade raw ito ng aktres sa gobyerno na gumastos ng malaki dahil sa ginaganap na ASEAN Summit 2026 kung saan, dumating sa bansa ang mga presidente at iba pang head of states ng iba’t ibang bansa.

Pero, hindi naman siguro aabot sa P22 billion ang budget ng bansa para sa ASEAN Summit. Masyadong malaki ang nasabing halaga.

Na baka pagdating ni US President Donald Trump, doon madagdagan ang budget dahil dadagdagan ang security. Ang dami kasing kontra sa pagbisita ng US President sa Pilipinas na darating pagkatapos magsara ng ASEAN Summit.

Gloc-9, binira sa pag-endorse ng sugal!

Nakatanggap si Gloc-9 ng pamba-bash kay dahil sa pag-i-endorse ng online gaming. Kahit nagpaliwanag na ito kung bakit niya tinanggap ang maging endorser, binabatikos pa rin siya.

Hindi naman lahat nadismaya kay Gloc-9, may mga nagtanggol pa rin sa kanya.

Sa isang viral video, ipinaliwanag ni Gloc-9 kung bakit niya tinanggap maging ambassador ng online gaming platform. Ipinaliwanag nito ang practical reasons sa pagtanggap niyang maging endorser ng gaming platform na GameZone.

Parte raw ng trabaho niya and to provide for his family ang pagtanggap niya rito. Nabanggit pa niya na legitimate way to earn a decent living.

Kahit nagpaliwanag na si Gloc-9, ayaw pa ring tanggapin ng iba na ang kanyang desisyon. Marami naman daw siyang gig at judge pa siya sa The Voice Kids, sana raw hindi na niya tinanggap ang endorsement.

Ibinigay na halimbawa ng fans sina Alden Richards, Nadine Lustre at iba pang endorsers ng online gaming na hanggang ngayon, bina-bash pa rin dahil sa online sugal.

Regalo ni Jake kay Rabiya, pinakialaman ng mga Faney

Nakakatuwa ang fans, pinakialaman ang birthday gift ni Jake Cuenca kay Rabiya Mateo. Bakit daw laging luggage ang regalo ng aktor sa GF? Wala na raw ba itong maisip na puwedeng ibigay kay Rabiya kundi luggage?

Rimowa luggage ang birthday gift ni Jake kay Rabiya, pinost ito ni Rabiya sa Instagram kaya nakita ng fans. Nakapagregalo na siguro si Jake ng luggage sa GF, natandaan ‘yun ng fans, kaya nagtanong kung bakit luggage na naman ang regalo niya.

Kahit mamahalin ang Rimowa, parang hindi natuwa ang fans na nag-i-expect ng iba pang regalo. Unless daw may plano si Jake na mag-abroad sila ni Rabiya in the future.

Samantala, maganda na hindi masyadong nagpapakita sa labas sina Jake at Rabiya, napapanatili nila ang kanilang privacy at privacy ng kanilang relasyon.

CARLA ABELLANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with