Early voting sa media hiling
MANILA, Philippines - Nais ng isang party-list group na mapayagan ang mga miyembro ng media na makaboto ng mas maaga para sa May 10 automated elections.
Naghain ng tatlong pahinang petisyon sa Commission on Elections ang Alyansa ng Media at Showbiz (AMS) at hiniling na payagan ang mga miyembro ng media na magku-cover ng halalan, na maunang makaboto sa alinmang lugar kahit hindi sa lugar kung saan sila nakarehistro, upang matiyak na hindi masasayang ang kanilang boto.
Sinabi ni AMS nominee Rolando Gonzalo, kadalasang nagiging problema ng mga reporters at correspondents ay kung paano sila makakaboto, dahil naitatalaga ang mga ito sa ibang lugar kung saan hindi sila rehistradong botante.
“Reporters, correspondents, and others who maybe assigned to cover the elections in places other than where they are registered should be allowed to vote. It has been a problem for us every election,” ayon kay Gonzalo.
- Latest
- Trending