^

Bansa

'Pag tinuloy ang 12% EVAT sa tollways, trak, bus welga

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ikinasa ng mga sa­mahan ng bus at trak sa bansa ang isang ma­lawakan at malakihang transport holiday kasa­ bay ng pagbaba­lagbag ng kanilang sasakyan sa may north at south Luzon expressways oras na ipatupad ng pamahalaan ang 12% EVAT sa toll fee.

Sinabi nina Orlando Mercado, Pangulo ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) at Homer Mer­cado, pa­ngulo ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), hindi dapat ipatupad ang 12 percent EVAT sa toll fee dahil wala namang na­ganap na public hearing ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hanay ng transport groups at sa mga may ari sasakyan para maipatupad ito sa Abril 30.

Kinondena din ng naturang mga grupo ang Toll Regulatory Board dahil sunud-sunuran lamang umano ito sa sinasabi sa kanila ng BIR at hindi muna kumu­kun­sulta sa kanila.

Hindi anila napapa­nahon na maipatupad ang 12% EVAT sa toll fee dahil mahal ang bilihin sa ngayon bukod sa piyesa ng mga sasakyan at maintenance gayundin ng mga produktong pe­trolyo.

Takda silang mag­sampa ng TRO sa Korte Suprema oras na ma­ipatupad ng BIR ang na­turang hakbang.

vuukle comment

ABRIL

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

HOMER MER

IKINASA

KINONDENA

KORTE SUPREMA

ORLANDO MERCADO

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SHY

TOLL REGULATORY BOARD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with