^

Bansa

Verzosa 'di sisibakin

-

MANILA, Philippines - Sa kabila ng sinasa­bing iringan, tiniyak kaha­pon ni National Police Commission (Napolcom) Chairman Ronaldo Puno na hindi sisibakin ni Pangulong Arroyo si Philippine National Police (PNP) chief, Director General Jesus Versoza.

Ito ang inihayag ni Puno sa oath-taking cere­mony nina bagong Napol­com commissioners Ale­jan­dro Urro at Constancia de Guzman.  Kasama ni Puno si Verzosa sa natu­rang okasyon kahapon.

“Itaga ninyo sa bato, hindi maaalis si Verzosa sa pagiging Chief PNP,” pag­tiyak pa ni Puno ka­sabay ng pagtanggi na may mala­lim na hinanakit ang Pa­ngulo sa hepe ng pam­bansang pulisya. 

Hanggang Disyembre pa ngayong taon ang termino ni Versoza kung saan inaasahang magsi­sil­bi pa rin ito sa bagong Pa­ngulo ng bansa na maha­halal sa Mayo.

Kabaligtaran naman ni Verzosa, tiniyak ni Puno na lilisanin niya ang puwesto sa Napol­ com at bilang kalihim ng DILG sa pagpa­palit ng pamunuan ng bansa. (Danilo Garcia)

CHAIRMAN RONALDO PUNO

DANILO GARCIA

DIRECTOR GENERAL JESUS VERSOZA

HANGGANG DISYEMBRE

NAPOL

NATIONAL POLICE COMMISSION

PANGULONG ARROYO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUNO

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with