Duterte hinamon
MANILA, Philippines - Hinamon ni retired Police General Eduardo Matillano si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na sagutin ang report ng Commission on Audit sa nawawalang P11-milyong pondo na nakalaan sa Special Education Fund ng lunsod.
Sa isang media forum sa Maynila, sinabi ni Matillano na, kapag hindi nasagot ng Alkalde kung saan ginamit o kaya’y napunta ang nawawalang pondo ay marapat lamang umanong magbitiw ito sa kanyang puwesto.
Si Matillano ay outgoing regional chief ng Presidential Anti-Smuggling Group sa Davao ay una nang nakasagutan ni Duterte makaraang pakialaman umano ng Alkalde ang trabaho ng mga ahente ng PASG sa nasabing bayan.
Natuklasan ang pagkawala ng P11-milyong pondo makaraang magreklamo ang ilang empleyado ng SEF at sinabing ang nawawalang salapi ay ginamit na pambayad ng catering service, pagbili ng appliances at groceries. (Mer Layson)
- Latest
- Trending