^

Bansa

City hall men kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Ilang opisyal ng Manila City Hall ang kinasuhan ng mga pamilyang kasama sa mga nademolis ang ba­hay sa calle Bodega, Romualdez St., Ermita, Manila kamakailan.

Kasong grave coercion, grave abuse of authority, ig­no­rance of the law, conspiracy, trespassing at iba pa ang isinampa nina ex-Barangay Chairwoman Erlinda Constantino at Buenconsejo Montierde laban kina City legal officer Atty. Renato dela Cruz, City Engineer Armand Andres, Joseph Bulanon, demolition team head, Joy Orense, mga opisyal ng Manila Poilice District station 5 at iba pa.  

Inakusahan sila ng pag-abuso sa kapangyarihan dahil sa pagbalewala sa Ordinance No. 8041 na nagbibigay sa kanila ng awtorisasyon na gamitin ang may 300 metro kuwadro lupa bilang programa ng pabahay ng lokal na pamahalaan.

Inireklamo ng mga re­si­dente ang pagdemolis sa kanilang mga bahay nang walang sapat na re­lokasyon.

Nanatiling nasa kalsada nakatira ang may limang pa­­milya na apektado ng de­molisyon noong Pebrero 26.

BARANGAY CHAIRWOMAN ERLINDA CONSTANTINO

BUENCONSEJO MONTIERDE

CITY ENGINEER ARMAND ANDRES

JOSEPH BULANON

JOY ORENSE

MANILA CITY HALL

MANILA POILICE DISTRICT

ORDINANCE NO

ROMUALDEZ ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with