^

Bansa

Laglagan sa LP Senate slate itinanggi ni Noynoy

-

MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ni Liberal Party presidential candidate at Senator Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ang posibilidad na magkaroon ng ‘laglagan’ sa kanilang  senatorial slate upang masuportahan si dating Senador Vicente ‘Tito’ Sotto III.

Lumutang ang senaryo ng ‘laglagan’ pagkaraang i-endorso ni TV host Kris Aquino-Yap si Sotto, nag-iisang kandidatong senador ng Nationalist Peoples Coalition.

Ipinaliwanag ni Aquino na personal naman ang pag-eendorso ng bunso niyang kapatid kay Sotto at hiwalay ito  sa posisyon ng Liberal Party.

Ayon kay Aquino, solido ang kaniyang suporta sa kaniyang 12 kandidatong senador.

Pero sinabi rin ni Aquino na pasasalamatan nya si Sotto sakaling bitbitin ang kanyang kandidatura o pangalan sa pangangampanya.

Wala aniyang dapat ipa­ngamba ang kanilang mga senatorial bets sa LP dahil walang mababago sa listahan ng kanyang susuportahan. (Malou Escudero)

AQUINO

AYON

KRIS AQUINO-YAP

LIBERAL PARTY

MALOU ESCUDERO

NATIONALIST PEOPLES COALITION

SENADOR VICENTE

SENATOR BENIGNO

SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with