^

Bansa

2 Pinoy nagkaka-AIDS kada araw

-

MANILA, Philippines - Nababahala ang Philippine National Aids Council (PNAC) na mapabilang ang Pilipinas sa mga bansa na may mataas na bilang ng mga taong may Acquired Immune Disease Syndrome o AIDS kung hindi kikilos ang gobyerno para mapigilan ito.

Sinabi ni Dr. Chito Avelino, executive director ng PNAC, noong 2009 dalawang Pilipino na kada araw ang nagkakaroon ng AIDS kumpara noong 2007 na isa at isa din noong 2000 kada tatlong araw.

Ayon kay Avelino, papataas ngayon ang trend kaya kung hindi kikilos ang Department of Health, baka maging isa ang Pilipinas sa mga bansang prevalent sa HIV.

Sa kasalukuyan tinaya ng PNAC na 7,000 Pinoy na ang may AIDS, pero ina­min ni Avelino na hindi nila alam ang tunay na bilang ng may sakit na AIDS.

Sinabi ni Avelino na ang ginawang pagpapamahagi ng DOH ng condom kamakalawa sa Dangwa ay bahagi ng kampanya ng gobyerno laban sa AIDS, hindi para kunsintihin ang mga Pilipino at mga kabataan na makipagtalik sa Valentine’s Day.

Ibinulgar ni Avelino na pabata na ng pabata ang edad ng Pilipino na may kamalayan na sa sex, dati 18-19 anyos bago magkaroon ng kamalayan sa sex ang mga kabataang Pinoy, ngayon ay 17-12 anyos.

Binigyan-diin din ni Avelino na dapat ng kalimutan na ang AIDS ay naililipat sa pa­mamagitan ng pagpunta sa public toilet at kagat ng lamok, kundi dapat malaman ng publiko na tatlong bagay lamang maaring maisalin ang AIDS, kabilang dito ang oral, anal at may penetration sex; pagsasalin ng dugo sa katawan ng tao at pagpapadede ng inang may HIV sa kanyang anak at pagkatapos na mailuwal ang sanggol. (Doris Franche)

ACQUIRED IMMUNE DISEASE SYNDROME

AIDS

AVELINO

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DR. CHITO AVELINO

PHILIPPINE NATIONAL AIDS COUNCIL

PILIPINAS

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with