^

Bansa

15 BI employees sa Clark inalis ni Libanan

-

MANILA, Philippines - Inalis ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ang 15 empleyado na nakatalaga sa Diosdado Macapagal International Airport (DMIA) at dinala sa kanilang main office sa Maynila dahilan sa umanoy pagkakasangkot sa human trafficking.

Ayon kay Libanan ang pag transfer sa mga empleyado ay dahil sa resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) na sangkot sa umanoy human trafficking activities ng mga ito sa DMIA.

Pinalitan ang mga ito ng BI employees na nakatalaga naman sa main office sa Intramuros Maynila matapos na ipalabas ni DOJ undersecretary Ricardo Blancaflor na siya ring head ng Human Trafficking Task Force ang memorandum na humihiling kay Libanan na i-relieved ang 15 empleyado habang hindi pa natatapos ang imbestigasyon sa kaso.

Tumanggi naman si Atty. Floro Balato, spokesman ng BI sabihin ang pangalan ng BI personnel na ni-relived habang inihahanda ang kasong administratibo laban sa mga ito.

Nabatid na hiniling ng DOJ sa Comelec ang exemption para sa existing ban sa movement ng government personnel na pinagbigyan naman ng komis­yon sa ipinalabas nitong en banc resolution noong Martes kaya na ipalipat ang 15 BI per­sonnel. (Gemma Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIOSDADO MACAPAGAL INTERNATIONAL AIRPORT

FLORO BALATO

GEMMA GARCIA

HUMAN TRAFFICKING TASK FORCE

INTRAMUROS MAYNILA

LIBANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with