^

Bansa

P2 taas sa presyo ng tinapay

-

MANILA, Philippines - Ipatutupad ngayong araw ang pagtataas ng presyo ng pandesal at loaf bread bunga umano ng pag­­taas ng presyo ng asukal.

Ito ang kinumpirma kahapon sa pulong-bali­taan sa Tinapayan sa Da­pitan, Sampaloc ni Walter Co, presidente ng Philippine Baking Industry. 

Aniya, dagdag P2 para sa loaf bread na tumi­tim­bang ng 600 gramo ha­bang P1 naman sa kada balot ng pandesal na nag­lalaman ng 10 piraso.

Hindi na umano ma­iiwasan ang pagtaas ng presyo ng tinapay dahil uma­bot na sa P19 ang itinaas ng kada kilo ng asu­kal simula noong bagyong Ondoy.

Tumaas din umano ang presyo ng harina, man­­tika, itlog, gatas at iba pang sangkap sa paggawa ng tinapay.

Sinabi naman ni Lucito Chavez, Vice President ng Philippine Federation of Bakery Association Inc. (PFBAI) kailangan ding makabawi sa puhunan ang mga panadero kaya nag­ka­sundo sila na itaas ang presyo. (Ludy Bermudo/ Doris Franche)

ANIYA

DORIS FRANCHE

IPATUTUPAD

LUCITO CHAVEZ

LUDY BERMUDO

PHILIPPINE BAKING INDUSTRY

PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERY ASSOCIATION INC

SHY

VICE PRESIDENT

WALTER CO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with