Guro sa halalan, tatanggap ng P4,300 allowance
MANILA, Philippines - Inianunsiyo ng Commission on Elections na aabot sa P4,300 ang kabuuang allowance na tatanggapin ng mga guro na maatasang magsisilbi sa darating na halalan.
Ayon kay Comelec spokesman James Arthur Jimenez, kabilang dito ang bayad sa Election Duty ng mga guro, P500 bawat isa para sa dalawang pre-election activities at allowance nila.
Makakabilang din umano sa package para sa mga guro ang “non-cash benefits” tulad ng extra leave credits. Una nang sinabi ng Comelec na magiging madali na lamang sa ngayon ang magiging election duties ng mga guro dahil sa automated election. (Mer Layson)
- Latest
- Trending