^

Bansa

RFID pinatigil ng Korte Suprema

-

MANILA, Philippines - Hindi pa muna maaring ipatupad ng Land Transportation Office (LTO) ang Radio Frequency Identification Device (RFID).

Bagamat hindi pinag­bigyan ng Korte Suprema ang kahilingan ng mga transport group na mag­palabas ng Temporary Res­training Order (TRO) nag-isyu naman ng status quo ante order ang Mataas na Hukuman laban dito.

Nangangahulugan ito na dapat na maibalik sa dating sitwasyon bago maihain ang petition ng PISTON, Anakpawis at Bayan.

Binigyan naman ng Korte Suprema ang Department of Transportation and Communications (DOTC) ng 10 araw upang makapaghain ng motion to intervene o komento.

Nilinaw ni Atty. Midas Marquez na hindi muna maaring ipatupad ang RFID hanggang walang abiso ang Korte Suprema.

Matatandaan na naghain ng petition sa Korte Suprema ang Piston, Anakpawis at Bayan upang ideklarang labag sa batas ang RFID. (Gemma Amargo-Garcia)

ANAKPAWIS

BAGAMAT

BAYAN

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATIONS

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MIDAS MARQUEZ

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION DEVICE

TEMPORARY RES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with