Dengue uso na naman
MANILA, Philippines - Pinaalalahanan ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang lahat ng residente ng lungsod na panatilihin ang kalinisan sa kanilang lugar upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na dengue ngayong nalalapit na ang panahon ng tag-init.
Ang paalalang ito ni Echiverri ay matapos na sabihin ng Department of Health (DOH) na mas marami ang maaaring dapuan na sakit na dengue pagsapit ng panahon ng tag-init na inaasahang darating sa susunod na buwan.
Ayon sa alkalde, mas makakaiwas sa sakit na dengue ang mga residente kung patuloy na pananatilihin ng mga ito ang kalinisan sa kanilang mga lugar nang sa gayon ay hindi pamamahayan ng lamok ang bawat sulok ng kanilang mga tahanan.
Inaasahan din ng alkalde na makikipagtulungan ang mga opisyal ng barangay sa kampanyang ito laban sa dengue. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending