79 nakakulong na OFW umapela
MANILA, Philippines - Umapela ang 79 Overseas Filipino Workers na nakakulong ngayon sa ilang piitan sa Saudi Arabia para makakuha ng royal pardon mula sa Hari nito upang makalaya at makauwi sa bansa.
Ayon sa Migrante International Middle East Regional Coordinator John Leonard Monterona, walang dapat aksayahing panahon ang gobyerno para mailabas ng kulungan ang mga OFW na mahigit isang taon na sa Malaz Central Jail sa Riyadh dahil sa mga petty crimes.
Gayunman, tanging ang mga bilanggong OFW lamang na nahaharap sa magaang na kaso ang maaaring mabigyan ng Royal Pardon. Ang pagbibigay ng pardon ay bahagi ng pasasalamat ni Crown Prince Sultan bin Abdulaziz dahil ligtas itong nakabalik matapos ang pagpapagamot sa ibang bansa.
Umaasa pa rin ang convict na si Dondon Lanuza na nga yon ay nakapiit sa Damman Central Jail na makakakuha ng naturang Royal Pardon matapos na mapatawan ng siyam na taong pagkakakulong dahil sa kasong muder.
Una na rin nanawagan ang Blas F. Ople Policy Center sa Department of Foreign Affairs para mabigyan ng kaukulang tulong si Lanuza. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending