Bello sinuportahan ng Kusog Mindanaw
MANILA, Philippines - Nagpahayag ng suporta ang multi-sektoral na grupong Kusog Mindanaw dating Justice Secretary Silvestre Bello III na kumakandidatong senador sa darating na halalan.
Sinabi ng Kusog Mindanaw na panahon nang magkaroon ng isang senador na tulad ni Bello na nakakaunawa sa problema ng kapayapaan sa Mindanao.
Sinabi ni Fr. Eliseo “Jun” Mercado, Jr., lider ng Kusog Mindanaw, na makapagbibigay si Bello ng pangkabuuang pananaw sa peace process.
“Makakapag-ambag si Bello sa pagbalangkas ng pambansang patakaran sa kapayapaan na magpapatatag sa proseso ng kapayapaan kabilang na ang paglikha ng isang permanenteng peace commission,” sabi ni Mercado.
Si Bello ay naging puno ng peace panel ng pamahalaan sa negosasyong pakikipagkapayapaan sa National Democratic Front-Communist Party of the Philippines-New People’s Army noong panahon ng pamahalaang Ramos.
Si Bello, isang aktibista laban sa martial law at human rights violation, ay isa ring biktima ng `injustice’ noong panahon ng martial law at nabilanggo sa kasalanang di napatunayan kailanman. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending