^

Bansa

Guro turuan daw sa automated poll

-

MANILA, Philippines - Sinuportahan ni Senator Richard Gordon ang panawagan ng mga guro na simulan na silang sanayin sa paggamit ng automated machines sa darating na 2010 elections.

Sinabi ng senador na dapat ikonsidera ng Com­ mission on Elections ang panawagan ng Tea­chers Dignity Coalition na agad simulan ang education campaign at training sa mga gurong gagamit ng automated election machines sa halaan upang maiwasan ang anumang pagkaba­lam sa pagde-deliver ng mga makina na gaga­mitin sa eleksiyon.

Aniya, kailangan ma­tu­ruan ang mga botante kung papaano ang pag­ga­mit ng automated election machines upang matiyak na ang mana­nalo sa 2010 elections ay ka­gustuhan ng taum­bayan.

Si Gordon ay puma­nga­­lawa sa isang Face­book survey ng presidential bets na isang malakas na senyales mula sa Filipino na binibigyan nila ng timbang ang track record ng kandidato kaysa sa popularidad sa kabila na hindi ito kasama sa na­pipisil na kandidatong pangulo sa ibang online surveys. (Malou Escudero)

ANIYA

AUTOMATED

DIGNITY COALITION

MALOU ESCUDERO

SENATOR RICHARD GORDON

SHY

SI GORDON

SINABI

SINUPORTAHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with