^

Bansa

Bahay ng solon binomba

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Niyanig ng malakas na pagsabog ang taha­nan ni Maguindanao Congressman Dida­gen Dila­ngalen nang hagi­san ito ng bomba ng hindi pa nakilalang mga kalala­kihan na lulan ng motor­siklo sa Cotabato City kama­kalawa ng gabi.

Naganap ang insi­dente kahit nasa ilalim pa rin ng state of emergency ang Cotabato City na bunsod ng ma­lagim na pagmasaker sa may 57 katao sa Maguinda­nao noong Nobyembre 23.

Bukod sa Cotabato City, kasabay na ipina­ilalim sa state of emergency ang Maguinda­nao at Sultan Kudarat.

Sinabi ni Cotabato City Police Director Sr. Supt. Willie Dangane na naganap ang insi­dente dakong alas-6:26 ng gabi sa taha­nan ni Di­ lan­galen sa Shariff Kabun­suan District, Rosary Heights sa nasabing lungsod.

Ang sumabog na bom­­ba, ayon sa opis­ yal, ay isang uri ng Improvised Explosive Device.

Bago ito ay nakita pa uma­nong kahina-hina­lang nagpabalik-balik ang mo­torsiklong sina­sakyan ng mga suspek sa nasabing lugar.

Sa lakas ng pag­sa­bog ay nawasak ang binta­nang salamin at pader ng mansion ni Di­langalen bagaman wa­lang naiulat na na­suga­tan at nasawi sa insi­den­te, kamag-anak uma­no ng mga Ampatuan si Dilangalen.

Ayon kay Dangane, may lead na ang pulisya sa mga suspek na res­ponsa­ble sa pagpapa­sabog.

Nabatid na kara­ra­ting lamang ng kon­gre­sista mula Davao City dahil sa pagpapa­ga­mot sa maysa­kit nitong ina nang madat­nan ang sumabog na ba­hagi ng kaniyang tahanan.

COTABATO CITY

COTABATO CITY POLICE DIRECTOR SR. SUPT

DAVAO CITY

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE

MAGUINDA

MAGUINDANAO CONGRESSMAN DIDA

ROSARY HEIGHTS

SHARIFF KABUN

SHY

SULTAN KUDARAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with