^

Bansa

Pakistani na lumoko sa 3 OFW hinatulan

-

MANILA, Philippines - Tagumpay ang pakiki­paglaban ng tatlong overseas Filipino workers na nagwagi sa korte laban sa isang pekeng Pakistani police na nakapangulimbat sa kanila ng pera kapalit ng alok na trabaho sa United Arab Emirates.

Sa ipinalabas na de­sisyon ng Dubai Court of First Instance, napatuna­yang nagkasala ang isang 32-anyos na Pakistani sa mga kasong “fraud, impersonating a police officer at forgery”. Siya ay ina­ku­sahan din na illegal alien dahil sa napasong visa sa pananatili sa UAE.

Isang taon na pagka­kakulong ang iginawad ng korte sa nasabing Pakis­tani at deportasyon pa­balik sa Pakistan matapos ang kanyang jail term.

Sa rekord ng korte, gu­mamit umano ng pekeng identification card ang Pakistani upang mapaniwala ang tatlong Pilipino na isa siyang Emirati CID police officer.

Ayon sa biktimang Filipino waiter, nagpakilala sa kanya ang Pakistani na isang Emirati police at inalukan siya ng trabaho sa Dubai International Airport. Humingi sa kanya ang dayuhan ng halagang DH3,240 o P41,203 at ibinigay umano niya ang nasabing halaga kapalit ng isang acknowledgement receipt.

Hiningi rin ng Pakistani ang kanyang personal na dokumento. Ilang beses umanong inaantala ang pagpasok sa kanya sa trabaho hanggang sa hu­mingi ang akusado ng karagdagang Dh1,050 (P13,353) bilang bayad umano sa pinal na pag­poproseso ng kanyang appointment.

Dahil dito, nagduda ang nasabing OFW kaya sinabi sa Pakistani na ayaw na niya sa alok na trabaho at ibalik na lamang ang pera nito subalit ma­rami na umanong ibini­bi­gay na dahilan ang da­yuhan.

Ang isang Pilipina na nabiktima ay napag-ala­mang nagbayad din ng Dh2,000 (P254,344) ka­palit ng pangako na tra­baho sa Passport Section ng nasabi ring paliparan.

Naaresto ang Pakistani noong Hulyo 29, 2009 ha­bang nasa ak­tong nakiki­pagkita sa isa niyang kli­yente na target nitong biktimahin. Nare­kober sa kotse nito ang mga kinu­hang pasa­porte at maha­halagang doku­mento sa mga bikti­mang Pilipino. Nakuha rin sa pag-iingat nito ang mga pekeng IDs, drivers license authorization card at car ownership card. (Ellen Fernando)

AYON

DUBAI COURT OF FIRST INSTANCE

DUBAI INTERNATIONAL AIRPORT

ELLEN FERNANDO

EMIRATI

PAKISTANI

PASSPORT SECTION

PILIPINO

SHY

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with