Outbreak kontrolado na raw
MANILA, Philippines - Kontrolado at hindi mauuwi sa outbreak ang anumang sakit na tatama sa mga Mayon evacuees sa Albay, ayon kay Health Assistant Secretary Elmer Punzalan.
Ani Punzalan sa pagdalo sa Balitaan sa Tinapayan, sa Dapitan, Sampaloc, Manila, may naka tutok na siyam na DOH team sa iba’t-ibang evacuation centers kaya naaasikaso ang pasyenteng tinamaan ng upper respiratory ailment, gastro entiritis at ilang kaso ng tigdas .
Tuloy-tuloy lamang ang pagsasailalim sa medical check-up ng DOH team sa tinatayang 1,350 katao kada-araw.
“Walang outbreak at minimal lang ang mga sakit kasi naagapan namin,” ani Punzalan.
Hindi naman maiiwa san ang pagkalat ng sakit sa alinmang evacuation centers dahil malamig ang panahon, nakahiga sa semento na hindi sapat ang sapin ang mga evacuees, at ang tubig na naiinom ay hindi sigurado kung malinis, ani Punzalan. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending