Miriam nagdadala na ng baril
MANILA, Philippines - Matapos makatanggap ng dalawang magkahi walay na death threat sa pamamagitan ng tawag sa telepono sa kanilang bahay sa Quezon City, napilitan si Senator Miriam Defensor-Santiago na magdala na rin ng baril upang maprotektahan ang kaniyang sarili sa mga posibleng pumatay sa kaniya.
Kinumpirma ni Santiago sa panayam ng dzXL radio ang pag-armas kung saan mismong ang asawa niyang si presidential adviser Narciso “Jun” Santiago Jr., ang bumili ng baril.
Ang baril ng senadora ang Christmas gift umano ng kaniyang asawa ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa senador, isang “HK” hand gun o Heckler and Koch model ng kalibre .45 ang iniregalo ni Mr. Santiago sa kanya.
“Binigyan ako ng asa wa ko ng mas mabigat na baril. It’s an HK,” sabi Santiago na muling kakandidatong senador sa 2010 elections.
Ang Heckler & Koch, ay isang de-kalibreng armas na gawa ng German defense firm.
Matatandanan na ibi nunyag ni Santiago noong nakaraang Lunes na isang gabinete ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mastermind o nasa likod death threat laban sa kaniya.
Ang nasabing opisyal din umano na handang pangalanan ni Santiago sa kaniyang gagawing privilege speech sa Senado sa pagbabalik ng sesyon sa Enero ang nasa likod ng disqualification case niya sa Commission on Election (Comelec).
Isang tawag sa telepono ang natanggap ni Santiago sa kaniyang bahay sa Quezon City noong nakaraang Disyembre 21 kung saan pinag-iingat at sinundan ng isa pang tawag na nasagot ng kanyang staff dahilan upang hamunin ng lady solon na harapang barilin ito.
Nauna ng sinabi ni Santiago na ang death threat at disqualification case na kinakaharap nito ay bahagi ng ‘dirty works’ ng PR group na inarkila ng hindi pinangalanang no torius cabinet member. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending