^

Bansa

Barko tumaob: Pinoy seaman, patay; 7 pa nawawala

-

MANILA, Philippines - Kinumpirma kaha­pon ng Department of Foreign Affairs na isang Filipino seaman ang nasawi habang 13 pa niyang kababayan ang nasagip nang tumaob ang kanilang sinasak­yang barko sa karaga­tang sakop ng Tripoli, Lebanon sa kasagsa­gan ng masamang lagay ng panahon dito nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa DFA, bukod sa mga nailigtas, pito pang seaman na Pili­pino ang nawawala at pinaniniwalaang tina­ngay ng malalakas na alon at nalunod sa ka­ragatan matapos buma­ligtad ang Panamanian-flagged ship Danny F II sa Tripoli coast noong Disyembre 17 dahil sa pagtama ng malakas na bagyo sa Lebanon.

 Sa report ni Charge d’ Affaires Pendosina Lomondot ng Emba­hada ng Pilipinas sa Beirut sa DFA, ang mga nailigtas na Pilipino ay kinilalang sina Danilo Policarpio, Wilson Vi­cente, Lezer Gepul­gani, Micheal Olivia, Edgardo Pucan, Jona­than Rada, Rafael Tar­roza, Erasmo Galanza, Leolen Ba­bao, Rogelio Dequina, Joebert Beno­man, Jo­wey Quinto at Jason Magsino.

Pansamantala na­mang hindi tinukoy ng DFA ang pangalan ng nasawi at pito pang pinaghahanap.

Umalis ang Danny F II sa Montevideo sa Uruguay noong Nob­yem­bre 23 na may kar­gang 10,224 tupa at 17,932 baka nang ma­aksidente. (Ellen Fernando)

vuukle comment

AFFAIRES PENDOSINA LOMONDOT

DANILO POLICARPIO

DANNY F

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

EDGARDO PUCAN

ELLEN FERNANDO

ERASMO GALANZA

JASON MAGSINO

JOEBERT BENO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with