^

Bansa

Pamilya Ampatuan hirit ikulong sa Sta. Rosa

-

MANILA, Philippines - Inirekomenda kahapon ng dalawang senador na dalhin sa Sta. Rosa, Laguna ang buong pamilya Am­pa­tuan na hawak ngayon ng gobyerno dahil sa pag­kakasangkot sa madugong Maguindanao massacre    kung saan nasa 57 tao ang nasawi.

Ayon kina Senate minority leader Aquilino “Nene” Pimentel Jr. at Senator Jose “Jinggoy” Estrada, kung hindi mapipigilan ang paglilipat sa Maynila ng pamilya Ampatuan, ito’y mas makakabuting ibilanggo sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa.

Sa nasabing bilangguan din ikinulong sina Sen. Estrada at amang si dating Pangulong Estrada dahil sa kasong plunder. Inamin ni Estrada na mahirap ang buhay ng sinu­mang mabibilango sa training camp ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF).

Nabilanggo naman si dating ARMM Governor Nur Misuari sa Fort Sto. Domi­ngo, Sta. Rosa dahil sa kasong rebelyon pero inabsuwelto ito kamakailan.

Ayon kay Estrada, isa sa pinakamalungkot na lugar ang Fort Sto. Domingo dahil isolated ito sa publiko.

Minaliit din ni Estrada ang posibilidad na mapasok ang kampo dahil mahigpit aniya ang seguridad at na­paka-imposibleng maisahan ang mga bantay. (Malou Escudero)

AMPATUAN

AYON

DOMINGO

FORT STO

GOVERNOR NUR MISUARI

MALOU ESCUDERO

PANGULONG ESTRADA

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SPECIAL ACTION FORCE

PIMENTEL JR.

SENATOR JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with