Kenney pinalitan ni Obama
MANILA, Philippines - Naglagay na si United States President Barack Obama ng bagong US envoy sa Pilipinas kapalit ni US Ambassador Kristie Ann Kenney.
Ang bagong US Ambassador sa Pilipinas ay si Harry Thomas, Jr., isang career diplomat na mismong si Obama ang nag-nomina. Walang binanggit ang White House kung kailan ang pagtatalaga kay Thomas sa Pilipinas.
Ayon naman kay Kenney, mananatili siya sa Pilipinas ng ilang buwan bago siya mapalitan at babalik siya sa US upang makapiling ang kanyang pamilya.
Si Kenney ang kauna-unahang ambassador na naitalaga ng US sa Manila na naging aktibo sa mga pagdalo sa social functions at walang takot na tumutungo sa mga delika dong lugar gaya ng Mindanao upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan. (Ellen Fernando)
- Latest
- Trending