^

Bansa

Ayuda ni GMA sa LTO project hiniling

-

MANILA, Philippines - Hinikayat ng United Transport Koalisyon party-list si Pangulong Arroyo na ayudahan ang pagpapa­tupad ng Radio Frequency Identification program ng Land Transportation Office upang masawata ang pag­lipana ng mga sasakyang kolorum at matigil na ang korapsyon sa hanay ng transportasyon.

Sa transport conference sa Clark Field, Angeles na dinaluhan ng mga transport organizations, isang manifesto ang nilag­daan upang ipatupad sa lalong madaling pana­hon ang RFID.

Ayon kay 1UTAK party list Rep. Atty. Vigor Men­doza, hindi lang mga kolorum na sasakyan at kotongan sa RFID ang masusugpo. Mapapabilis din nito ang ope­rasyon ng mga registration ng mga pampubliko at priba­dong sasakyan dahil gagamit ang LTO at LTFRB ng ma­kabagong electronic interconnection system na naka­kabit sa data base ng LTO at LTFRB.

Idiniin ni Mendoza na ang LTO’s RFID project ay ang nakikita nilang solus­yon sa suliranin ng transport sector at magiging sandata din ng LTO at LTFRB para sa pag­papa­bilis ng mga registration, confirmation ng mga motor vehicles na hindi na kailangan ng marami pang pag­dadaanan na proseso. (Butch Quejada)

AYON

BUTCH QUEJADA

CLARK FIELD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

PANGULONG ARROYO

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION

SHY

UNITED TRANSPORT KOALISYON

VIGOR MEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with